Home » Post Item » Naghahanap : Talentadong Pinoy

Naghahanap : Talentadong Pinoy

January 2, 2010

Laganap sa buong Pilipinas ang mga patimpalak na nangangalap ng mga may natatanging talento na maaring ipagmalaki sa buong bansa o maging pandaigdigan man. Dito binibgyang puwang nila ang mga ibat ibang uri ng Pinoy. Sinusoportahan at pinapasikat ng may magandang mga layunin at paniniwalang lahat tayo ay mga kanya-kanyang kakayahan.

Pinangungunahan ng mga malalaking kumpanya tulad nang ABS-CBN at GMA ang nasabing programa. Sa ABS-CBN ay nariyan ang Pinoy Big Brother, Showtime, at Pilipinas got talent; Sa listahan naman ng GMA ay ang Bitoy’s Showwwtime, Starstruck, at Pinoy Records. Ang dalawang kumpanya ay nagkakaisa sa parehong  paniniwala na likas sa mga Pinoy ay pagiging talentado.

Dahil ng sa mga patimpalak na ito ay marami ng Pinoy ang tiningala saan man panig ng mundo. Ang grupo ng Peerless Flashback Crew mula sa Capiz ay isa sa mga pumukaw ng damdamin ng mga hurado sa Showtime. At si Berwin Meily na tinaguriang Pinoy Houdini matapos ang maka pigil hiningang Houdini’s stunt.

Hindi lang mga TV shows ang gumagawa ng mga ganitong aktibidades. Sa katunayan ay nag kalat narin sa internet ang mga website na naglalayon na bingyang pansin ang kagitingian ng Pinoy. Kama-kailan lang ay nag karoon ng isang Palarong SEO na pinamagatang “Sikat ang Pinoy” na naglalayon na palaganapin ang impluwensya ng galling Pinoy sa buong mundo.

Sa huli ay ang pinakamahalaga na tayo mismo ay mag tiwala sa ating sariling kakayahan. Tiwala sa sarili na kahit ano pamang hamon ng buhay ay hindi tayo papatalo. Taas nuo, kahit kanino, Pinoy tayo!

      

Posted by khaiylle at 8:57 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








CityVille Cheats

Who Among Us